Estruktura ng swardspeak sa lungsod ng Tagum: pag-aaral ng varayti ng wika sa Filipino
View/ Open
Date
2022-08Author
Baluis, Sydney Jave G.
Caño, Raymond G.
Ruda, Glovelyn S.
Metadata
Show full item recordAbstract
Ang pangunahing layunin ng penomelohikal na pananaliksik na ito ay malaman ang persepsyon, paraan ng paggamit o pananalita at estruktura ng swardspeak sa Lungsod ng Tagum, Davao del Norte partikular sa mga bakla. Kasabay ng patuloy na pag-usbong ng makabagong salita kung paano nila ito na pagtagumpayan ang mga karanasan at kung paano nila ito ginagamit sa kani-kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng Structural Linguistic na dulog. May labing-apat na kalahok sa pananaliksik na ito at lahat ay mga bakla o beki sa Lungsod ng Tagum, Davao del Norte. Sa pag-aaral na ito, kaming mga mananaliksik ay gumamit ng subjektibong pamamaraan at analisis na datos (data analysis) upang ang aming pag-aaral ay makakuha ng tiyak na detalye ng iba’t ibang estruktura at kaalaman mula sa “Estruktura ng Swardspeak sa Lungsod ng Tagum: Pag-aaral ng Varayti ng Wika sa Filipino”. Ito ay binubuo ng labing-apat (14) na kalahok. Ang pito (7) na kalahok ang siyang naging partisipante namin sa in-depth interview at ang natitirang pito (7) naman ay naging respondante sa focused-group discussion. Ang resulta sa pag-aaral ay napapangkat sa iba’t ibang tema sa bawat katanungan.