| dc.description.abstract | Nilayon ng pananaliksik na ito na matukoy ang pinakaangkop na modelo ng pag-
uugali at pag-aaral ng wikang Filipino. Kinilala nito ang ugnayan ng mga exogenous na baryabol na pangangasiwang pangklasrum, akademikong lokus
ng kontrol, kasanayan sa pakikipagkomunikasyon sa pagitan ng endogenous na
baryabol na pag-uugali at pag-aaral ng wika. Nakalap ang mga datos gamit ang
sarbey mula sa 400 na mga mag-aaral sa kolehiyo na pinili sa pamamagitan ng
stratified random sampling. Dumaan ang datos sa istatistikal na pagsuri gamit
ang Mean, Pearson r, Regression Analysis, at Structural Equation Modeling
(SEM). Narito ang mga resulta: Puro matataas ang antas ng mga exogenous at
endogenous na mga baryabol. Makabuluhan ang ugnayan ng pagangasiwang
pangklasrum at akademikong lokus ng kontrol sa pag-uugali at pag-aaral ng
wika, subalit hindi makabuluhan ang ugnayan sa pagitan ng kakayahan sa
komunikasyon at pag-uugali at pag-aaral ng wika. Sa tatlong exogenous na
baryabol, ang akademikong lokus ng kontrol ang mayroong pinakamalakas na
impluwensya sa pag-uugali at pag-aaral ng wika. Batay sa resulta ng SEM, ang
tatlong exogenous na baryabol at ilan sa mga tagapagpahiwatig nito ay prediktor
ng pag-uugali at pag-aaral ng wika na inihayag sa ikalimang (5) modelo ng
pananaliksik: pangangasiwang pangklasrum (pamamaraan sa pagtuturo, at pagpaplano at suporta), akademikong lokus ng kontrol (pagkakaroon ng pag-
asa, pagiging positibo, at pinabuting pagplano), kakayahan sa komunikasyon (pakikipagkomunikasyon sa kakilala, at pakikipagkomunikasyon sa kaibigan).
Ang endogenous baryabol naman na pag-uugali at pag-aaral ng wika ay
mayroong tatlong tagapagpahiwatig (saloobin tungo sa pag-aaral ng Filipino,
integratibong oryentasyon, kalakasan ng pagganyak).
Key Words: structural equation modeling, pangangasiwang pangklasrum,
akademikong lokus ng kontrol, kasanayan sa
pakikipagkomunikasyon, saloobin at motibasyon | en_US |