Pagtahak sa mga karanasan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng panitikan : hamon ng kontekstwalisasyon
Abstract
Nilalayon ng pag-aaral na ito na malaman ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa
pagkatuto ng panitikan gamit ang kontekstwalisasyon, na kung paano nila hinarap
ang mga hamon ng kontekstwalisasyon at ang kanilang mga mithiin na inaasam sa
buhay na maaring nakapagbibigay ng gabay para sa mga guro at mga mag-aaral na
nahaharap sa ganitong hamon. Gamit ang snowball sampling, napili ko ang limang
mag-aaral sa limang paaralan na matatagpuan sa rehiyon ng Davao sa taong panuruan na 2020-2021. Gumamit ako ng disenyong kwalitatibo na pag-aaral.
Lumitaw sa mga datos ang mga sumusunod na tema; natutuwa sa pamilyar na
aralin, nakikisangkot sa talakayan, nakatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman,
gumagabay sa mga mag-aaral ang paggamit ng mga pamilyar na halimbawa,
pakikinig nang mabuti sa guro, aktibong pakikilahok, pag-uugnay ng leksyon sa
buhay at pamayanan, pagbibigay ng pagkakataong makilahok sa programang
pampaaralan, probisyon sa kagamitang pagtuturo, mapalawak ang kaalaman sa
tulong ng kontekstwalisasyon, maipagpatuloy ang paggamit ng kontekstwalisasyon
at magsumikap sa pag-aaral upang matuto. Pinakita sa resulta ng pag-aaral na
nagsilbing inspirasyon ang kanilang mga naging karanasan upang seryosohin,
magsumikap sa pag-aaral at maging produktibo sa hinaharap. Ang pag-aaral na ito
ay makatutulong para sa mga guro na maunawaan ang kinakaharap na hamon ng
mga mag-aaral. Mahalagang susi rin ang pagyakap at pagkilala ng sariling kultura
para matulungan ang mga mag-aaral na lubusang makapagsabayan sa talakayan.
Mga Susing Salita: rehiyon ng davao, kontekstwalisasyon, kwalitatibong pag-aaral,
tematikong pag-aanalisa, Pilipinas
Collections
Publisher
University of Mindanao - Professional Schools

