Fakulti: Integrasyon ng teknolohiya sa instruksiyon at akademikong perpormans ng mga mag-aaral ng senior high school baitang 12

View/ Open
Date
2017-11Author
Logronio, Genelyn
Malaga, Jenelyn
Mamusog, Margie
Metadata
Show full item recordAbstract
Ang nilalayon ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang makabuluhang ugnayan nga Fakulti: Integrasyon ng Teknolohiya sa Instruksyon sa Akademikong Perpormans ng mga Mag-aaral ng Senior High School Baitang-12, sa ikalawang termino ng unang semestre (2nd term, 1st sem) sa taong panuruan 2017-2018. Ang Fakulti: Integrasyon ng Teknolohiya sa Instruksyon ay mayroong indekeytor na personal kompyuter, at powerpoint presentation. Ang Akademikong Perpormans ay maroong indekeytor na marka. Ito ay ginamitan ng non-experimental correlation na disenyo at istatistikang pamamaraan na mean, ANOVA, at Pearson-r, ayon sa resulta ng pag-aaral ay mayroong makabuluhang ugnayan ang Fakulti: Integrasyon ng Teknolohiya sa Instruksyon at Akademikong Perpormans na nangangahulugang nakakaapekto ang Integrasyon ng Teknolohiya sa Instruksyon sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral. Ito ay nagpapahiwatig na ang paggamit ng mga guro ng teknolohiya sa instruksyon ay may positibong kinalabasan sa kakayahan ng mga mag-aaral na umunawa sa mga leksyong tinalakay.