Social media at bokabularyong pangwika sa pangkapaligirang konteksto ng mga mag-aaral ng UM Panabo College
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang makabuluhang ugnayan ng social media at bokabularyong pangwika sa pangkapaligirang konteksto gamit ang purposive random sampling. Ito ay isang kwantitatibong kung saan ginamitan ng correlational na disenyo at ng istadistikang pamamaraan ng Mean at Pearson (r). Ang mga respondente ng pananaliksik ay ang mga estudyante ng UM Panabo College na kasalukuyan nakatala sa departamento ng edukasyong Guro sa una hanggang ikatlong antas sa taong pamunuan 2023-2024. Ayon sa resulta ng pag-aaral nakakuha ang social media ng grand mean na 4.03 at ang bokabularyo naman ay nakakuha ng over all mean na 3.88. Ang correlation balyu (r-value) ay .267 at ang p-balyu ay 0.000 na mas mababa kaysa 0.05 kung kaya ito ay nangangahulugan na may makabuluhang ugnayan sa social media at bokabularyong pangwika sa pangkapaligirang konteksto. Para mapalawak ang bokabularyong sa pangkapaligirang konteksto gamit ang social media, kinakailangan maging consistent sa paggamit ng social media at magkaroon ng pangkatang diskurso at makibahagi sa mga pang- edukasyon na mga nilalaman sa social media katulad ng vlogs ni Celine Murillo at programang Born to be Wild dahil ito ay nagbibigay ng mga impormatibong post na magpapalawak ng kaalaman sa bokabularyong pangkapaligiran.