Pakikisangkot ng magulang at pag-unlad sa kasanayan sa wika ng mga mag-aaral ng mga magsasaka ng UM Panabo College

View/ Open
Date
2024-07Author
Cabal, Kimberly G.
Espinosa, Allan John C.
Metadata
Show full item recordAbstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang makabuluhang ugnayan ng pakikisangkot ng magulang at pag-unlad sa kasanayan sa wika ng mga mag-aaral gamit ang purposive random sampling. Ito ay isang kwantitatibong pag-aaral na ginamitan ng istadistikang pamamaraan ng Mean at Pearson (r). Ang mga respondente ng pananaliksik ay ang mga estudyante sa kolehiyo ng UM Panabo College at kasalukuyang nasa una hangang ikalawang antas sa taong panuruan 2023-2024. Ayon sa resulta ng pag-aaral nakakuha ang antas ng pakikisangkot ng magulang ng grand mean na 4.10 at ang pag-unlad kasanayan sa wika ng mga mag-aaral naman ay nakakuha ng over all mean na 4.01. Ang correlation balyu (R-value) ay 0.845 at ang P-balyu ay 0.000 na mas mababa kaysa 0.05 kung kaya ito ay nangangahulugan na may makabuluhang ugnayan ang pakikisangkot ng magulang at pag-unlad sa kasanayan sa wika ng mga mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral ay nagpapakita na ang mataas na antas ng pakikisangkot ng magulang ay may positibong epekto sa pag-unlad ng kasanayan sa wika ng mga mag-aaral. Ipinapakita rin ng datos na ang aktibong pakikilahok ng mga magulang sa akademikong buhay ng kanilang mga anak ay mahalaga sa pagpapabuti ng kanilang kakayahan sa wika. Ang malakas na suporta at gabay mula sa mga magulang ay nakatutulong sa mga mag-aaral na mas mapalawak at mapalalim ang kanilang kaalaman sa wika, na nagreresulta sa mas mahusay na pagganap sa kanilang mga akademikong gawain.