Kasanayan sa pamamahala ng kalamidad ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Filipino: Batayan sa pagsasanay

View/ Open
Date
2024-06Author
Fernandez, Rhea Jane B.
Gacus, Febe Joy O.
Onabia, Divine S.
Metadata
Show full item recordAbstract
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang lebel sa pamamahala ng kalamidad ng mga mag-aaral bilang batayan sa pagsasanay na kumukuha ng kursong Filipino gamit ang purposive sampling. Ang kamalayan sa pamamahala ay may tagapagpahiwatig na kaalaman sa kalamidad, kahandaan sa kalamidad. Ito ay isang kwantitatibong pananaliksik kung saan ginamitan ito ng non-experimental na disenyo. Ang mga respondente ng isinagawang pananaliksik ay ang mga mag-aaral sa Filipino ng UM Panabo College na nasa una at ika-apat na taon, taong panuruan 2023-2024. Batay sa resulta, ang unang tagapagpahiwatig kaalaman sa kalamidad ay nakakuha ng 4.04 na may pagpapakahulugan na mataas at kahandaan na may 3.33 na nangangahulugang mayroong mga respondente ang handang-handa pa rin pagdating ng mga kalamidad. Upang mapahusay pa ang kasanayan sa pamamahala ng kalamidad ng mga mag-aaral, ito ay gagamitin sa hinaharap upang mapaunlad ang kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral sa UM Panabo College, sa pagharap sa mga hindi inaaasahang sakuna. Ang mga aktibidad na gagawin at tatalakayin na nakatala sa matrix ng pagsasanay ay mga hakbang sa pag-unlad ng kasanayan.