Ang integratibong pagganyak sa wika at ang kahirapan sa pagpapahayag ng wika ng mga empleyado ng CDRRMO o (City Disaster Risk Reduction Management Office)

View/ Open
Date
2024-06Author
Deporos, Norma Issa T.
Laguna, Kris Jean L.
Tantoy, Jonel S.
Metadata
Show full item recordAbstract
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang makabuluhang ugnayan ng integratibong pagganyak sa wika at ang kahirapan sa pagpapahayag ng wika gamit ang purposive sampling. Ito ay isang kwantitatibong pag-aaral na ginamitan ng istadistikang pamamaraan ng Mean at Pearson (r). Ang mga respondente ng pananaliksik ay ang ay mga empleyado ng CDRRMO sa lungsod ng Panabo mula sa taong 2023-2024 na nasa taong 20-75 na gulang at kasalukuyang nakatira sa Panabo City, Davao del Norte. Ayon sa resulta ng pananaliksik ang integratibong pagganyak sa wika ay may Grand Mean na 4.08 at ang ang kahirapan sa pagpapahayag ng wika naman ay nakakuha ng grand mean na 4.38. Ang correlation balyu (R- value) ay 0.641 at ang P-balyu naman ay 0.000 na mas mababa kaysa sa 0.05 na nangangahulugang may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng integratibong pagganyak ng wika at kahirapan sa pagpapahayag ng wika. Para lalo pang mapabuti ang integratibong pagganyak sa wika kinakailangan magkaroon ng self-learning at online workshops, kung saan maaring matuto tungkol sa komunikasyon sa panahon ng sakuna, kasama ang tamang paggamit ng wika para sa mabisang pakikipag-ugnayan. Bukod dito, kinakailangan makibahagi sa isang Lingual Immersion na mga aktibidad na nagpapalalim ng paggamit ng iba’t ibang wika.