Modelong istruktural na panataya sa aprehensyon sa pagsula
Abstract
Ang pangunahing layunin sa pag-aaral na ito ay matukoy at matiyak ang pinakaangkop na modelo sa aprehensyon sa pagsulat. Nilalayon din ng pag-aaral na tiyakin ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng pagiging epektibo sa sarili,regulasyon sa sarili,estrahiya sa pagsulat at ng aprehensyon sa pagsulat ng piling mag-aaral ng Academic Strand,Rehiyon XI. Ginamit ang kwantitatibong at di eksperimental na disenyo at Istruktural na Modelo ng Panataya sa tulong ng estadistikang mean,Pearson R, factor analysis at regression.Ang nakalap ng mga datos ay mula sa 400 mag-aaral ng Baitang 12 na pinili sa pamamagitan ng stratified random sampling tktnik mula sa piling pampublikong paaralan sa Diritso I ng Rehiyon XI. May apat na na set ng talatanungang sarbey ang ginamit sa pangangalap ng datos. Ang kinalabasan ng resulta sa antas ng pagigiging epektibo sa,sarili ,rugulasyon sa sarili at mga estrahiya sa pagsulat ay mataas na nangangahulugang madalas na naipahayag ng mga mag-aaral nag aprehensya sa pagsulat.Samantalang, may mataas na antas ng makabuluhang ugnayan ang lahat ng baryabol ng pagiging epektibo sa sarili,regulasyon sa sarili at mga estratehiya sa pagsulat sa aprehensyon sa pagsulat ng mga mag-aaral.Karagdagan pa rito ay iminungkahi sa pinakaangkop na modelo 5 na ang regulasyon sa sarili na may mga indikeytor na: pagsusuri sa pagiging epektibo ng plano; pagsasagawa ng plano; pagtaya ng impormasyon at paghahambing nito sa pamantayan at malayang baryabol ng mga estrahiya sa pagsulat na may indikeytor na:pagpaplano; pagpapatupad at rebisyon ay may ugnayan sa malayang baryabol na pagiging epektibo sa sarili na may mga indikeytor na pagiging epektibo sa sarili sa akademik at emosyonal ay may direktang imoluwensya sa aprehensyon sa pagsulat. Ang pahayag na kongklusyon na nabuo ay mula sa kinalabasan ng pag-aaral. May makabuluhang ugnayan ang lahat ng malayang baryabol sa aprehensyon sa pagsulat ay istruktural na Modelo 5. Nangahulugan lamang ito na ang sanhi ng aprehensyon sa pagsulat ay mula sa regulasyon sa saril,mga estratehiya sa pagsulat at pagiging epektibo sa sarili ,samakatuwid kapag mataas ang antas ng pagiging epektibo sa sarili sa,akademik at emosyonal ay may direktang impluwensya ang mga ito sa aprehensya ang mga ito sa aprehensyon sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Baitang 12.