Kasanayang pangkomunikasyon ng guro at pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino
Abstract
Hangarin ng pananaliksik na ito na alamin ang antas ng kasanayang pangkomunikasyon ng guro at antas ng pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ito ay isang non-eksperimental kwantitatib na pananaliksik na gamit ang korelesyunal na pamamaraan sa mga datos mula sa 216 na mag-aaral na nasa ika-10 baitang ng isa sa mga mataas na paaralan sa lungsod ng Banaybanay, Davao Oreintal, Rehiyon, XI. Ang mga kalahok sap ag-aaral na sumagot sa talatanungang hinaho at inirebisa ng mga mananaliksik na sinuri ng mga expert validators. Sinuri ang mga nakalap na datos gamit ang estadistikang mean, Pearson r at regression. Lumabas sap ag-aaral na ang antas ng kasanayang pangkomunikasyon ng mga guro ay mattas. Ang pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral ay nagtamo rin nga mataas na antas. Sa kabuuan, mayroong makabuluhang ugnayan ang kasanayang pangkomunikasyon ng guro at ang pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral. Natukoy rin na ang komunikasyong assertive ang domeyn ng kasanayang pangkomunikasyon ng guro ang lubusang nakaiimpluwensya sa pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral.