| dc.description.abstract | Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang modelong pinakaangkop sa
kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral. Nilalayong tiyakin ang
makabuluhang ugnayan sa pagitan ng exogenous na baryabol: kakayahan sa
pagtuturo ng guro, pampagkatutong pangklasrum at pakikipag-ugnayan ng mga mag-
aaral at ang endogenous na baryabol sa kakayahang pangkomunikatibo. Ginamitan
ng non-experimental at korelasyonal na disenyong pananaliksik at istruktural na
modelo upang malaman ang pinakaangkop na modelong kakayahang
pangkomunikatibo. Ginamit ang stratified random sampling technique sa pagpili ng
442 na kalahok mula sa ikalabing-isa at ikalabindalawang baitang na mag-aaral ng
senior high school sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XI. Ang sumusunod na
istadistikang ginamit: mean, pearson r, regression at Structural Equation Model
(SEM). Inilahad, ang exogenous na mga baryabol ay may makabuluhang ugnayan sa
endogenous na baryabol na ang panlimang modelo ang pinakaangkop bilang resulta
ng pag-aaral. Kaugnay nito, ang mga exogenous na baryabol ay nagtamo ng
deskriptibong antas na pinakamataas. Ang kakayahan sa pagtuturo ng guro ay
kinapalooban: pagpaplano, pag-unlad at resulta; pampagkatutong pangklasrum ay
kinapalooban: positibong klasrum, iba-ibang pagpapahalaga, personal na pagkilala at
katatagang mayorya; pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral: kagustuhan sa
pagkatuto, kagustuhan sa paaralan, pagsisikap at pagtitiyaga, ekstrakurikular na
gawain at pangkabatirang pakikilahok; at ang endogenous na baryabol ay nagtamo
ng deskriptibong antas na pinakamataas ang pagganyak sa pagkatuto ng wika na
kinapalooban: pamamaraan ng pagtuturo, pananaw ng guro, gampanin ng guro,
impak ng pagtuturo ng pangkomunikatibong pangwika sa kakayahang
pangkomunikatibo, pagiging madali at katanggap-tanggap na
pakikipagkomunikasyon, at obserbasyon sa klasrum. Susing-salita: edukasyon, kakayahan sa pagtuturo ng guro, pampagkatutong
pangklasrum, pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral, kakayahang pangkomunikatibo
ng mga mag-aaral, modelong panatayang estruktural, Pilipinas | en_US |