Kabisaan an Guro at Metakanikognitibong Kamalayan sa mga Estraleheya sa Pagbasa ng mga Mag - aaral ng Edukasyong Pangsekundarya ng UM Panabo College
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang makabuluhang ugnayan ng Kabisaan ng Guro at Metakognitibong Kamalayan sa mga Estratehiya sa Pagbasa ng mga Mag-aaral ng Edukasyong Pansekundarya ng UM Panabo College, sa unang termino ng unang semestre (1st term, 1st sem) sa taong panuruan 2019-2020 gamit ang random sampling. Ang kabisaan ng guro ay mayroong indikeytor na kabisaan sa pagtuturo; kabisaan sa pagdidisiplina; kabisaan sa pagtala ng mga gawaing kasangkot ang mga magulang; kabisaan sa pagtala ng mga gawaing kasangkot ang komunidad; at kabisaan sa paglikha ng positibong kapaligiran sa loob ng paaralan (Albert Bandura, 1999). Ang metakognitibong kamalayan ng mga mag-aaral sa mga estratehiya sa pagbasa ay mayroong indikeytor na mga pangkalahatang estratehiya sa pagbasa; mga estratehiya sa pagtugon sa suliranin; at mga pansuportang estratehiya sa pagbasa (Mokhtari at Reichard, 2002). Ito ay ginamitan ng non-experimental correlation na disenyo at istadistikang pamamaraan na Mean at Pearson (r). Ayon sa resulta ng pag-aaral mayroong makabuluhang ugnayan ang kabisaan ng guro at metakognitibong kamalayan ng mga mag-aaral sa mga estratehiya sa pagbasa.
Susing Kaalaman: Kabisaan ng Guro at Metakognitibong Kamalayan ng mga Mag-aaral sa mga Estratehiya sa Pagbasa
PASASALAMAT AT PAGKILALA