Oryentasyon ng mga Layuning natamo sa akademikong Pag-aaral at Pagganyak sa pagsulat ng gurong mag-aaral ng UM Panabo College
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang makabuluhang ugnayan ng oryentasyon ng mga layuning natamo sa akademikong pag-aaral at pagganyak sa pagsulat ng gurong mag-aaral ng UM Panabo College, sa unang termino ng semester ( 1st term,1st sem.) sa taong panuruan 2019-2020 gamit ang random sampling. Ang oryentasyon ng mga layuning natamo sa akademikong pag-aaral ay mayroong indikeytor na kahusayan; layunin sa pagganap; pag-iwas sa pagganap; pag-iwas sa trabaho. Ang pagganyak sa pagsulat ay mayroong indikeytor na mga kasiyahan; kabisaan sa sarili; at pagsisikap. Ito ay ginamitan ng non-experimental correlation na disenyo at istatistikang pamamaraan na Mean at Pearson (r). Ayon sa resulta ng pag-aaral mayroong makabuluhang ugnayan ang oryentasyon ng mga layuning natamo sa akademikong pag-aaral at pagganyak sa pagsulat.
Susing Kaalaman: Oryentasyon ng mga layuning natamo sa akademikong pag-aaral at pagganyak sa pagsulat.