Kagamitang Pampagtuturo At Akademikong Pag-Unlad Ng Mga Mag-Aaral Sa Um Panabo College
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang makabuluhang ugnayan ng Kagamitang Pampagtuturo at Akademikong Pag- unlad ng mga Mag-aaral sa UM Panabo College, sa unang semester (1st sem) sa taong 2020-2021 gamit ang random sampling. Ang kagamitang pampagtuturo ay may indikeytor na pagpaplano; pagdebelop at resulta o kinalabasan. Ang akademikong pag-unlad ay may indikeytor na marka. Ito ay ginamitan ng non-expiremental correlation na disenyo at istadistikang pamamaraan na Mean at Pearson (r). Ayon sa resulta ng pag-aaral nakakuha ang kagamitang pampagtuturo ng grand mean na 4.53 at ang akdemikong pag- unlad naman ay nakakuha ng 89 bilang grand mean nito. Ang correlation balyu (R-value) ay 0.069 at ang P-balyu ay 0.556 na mas mataas kaysa sa 0.05 kung kaya ito ay nangangahulugan na walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kagamitang pampagtuturo at akademikong pag-unlad ng mga mag-aaral.
Susing kaalman: Kagamitang Pampagtuturo at Akademikong Pag-unlad