Social Media At Akademikong Pag-Unlad Ng Mga Mag-Aaral Sa Um Panabo College
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang makabuluhang ugnayan ng social media at akademikong pag-unlad ng mga mag-aaral sa UM Panabo College, sa unang termino ng ikalawang semestre (1st term, 2nd sem) sa taong panuruan 2020-2021 gamit ang random sampling. Ang social media ay mayroong indikeytor na pagkalulong ng mga mag-aaral; impluwensiya ng pagkalantad ng social media; paggamit sa social media, paggamit ng social media ayon sa edad, at paggamit ng social media ayon sa kasarian. Ang akademikong pag-unlad ay mayroong indikeytor na marka. Ito ay ginamitan ng non-expiremental correlation na disensyo at istadistikang pamamaraan na mean at Pearson-r. Ayon sa resulta ng pag-aaral ay walang makabuluhang ugnayan ang social media at akademikong pag-unlad .
Susing kaalman: Social Media at Akademikong Pag-unlad ng mga Mag-aaral sa UM Panabo College